Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag
Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes (Feb. 17) ay nasa 202.57 meters ang water level ng Angat dam.
Malayo ito sa normal high-water level ng dam na 212 meters.
Wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.13 meters, habang ang La Mesa dam ay bahagya pang nabawasan at nasa 77.68 meters.
Nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Habang nadagdagan pa ang water level ng Ambuklao, Binga at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.