65 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 65 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Sa 8am Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihinang pagyanig lamang ang naitala at hindi naman naramdaman ng mga residente.

May naitala pa ring mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng Taal na ang taas ay umabot sa 100 hanggang 200 meters.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Paalala ng Phivolcs sa publiko, maari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at ashfall.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.

Read more...