Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Japan, 16 pang Pinoy ang nadagdag sa mga nagpositibo base sa panibagong batch ng mga resulta na inilabas ng health ministry office ng Japan.
Gaya ng ipinatutupad na protocol ng Japanese health authorities, ang mga panibagong nagpositibo ay agad ibinaba ng barko para madala sa ospital.
Tiniyak naman ng embahada na araw-araw ay nakakakuha sila ng update sa kalagayan ng mga Pinoy na nagpositibo sa sakit.
Habang tuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Japan upang masiguro namang maayos ang lagay ng mga nananatili pang naka-quarantine sa loob ng barko.
READ NEXT
Lalaking walang travel history at walang contacts sa ibang pasyente, nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong
MOST READ
LATEST STORIES