Ayon sa mga health official, ang lalaki ay walang travel history at wala ring contacts sa mga nauna nang nagpositibo sa virus.
Nakaranas ng sintomas ang lalaki at nagpatingin sa duktor noong February 7.
Kalaunan ay nagpositibo ito sa sakit.
Maliban sa lagnat, ang pasyente ay hindi bumiyahe sa mga bansang apektado, walang occupational history at hindi nagkaroon ng contact sa iba pang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito palaisipan sa Hong Kong authorities kung paanong nakuha ng pasyente ang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES