Bus at 7 iba pang sasakyan nagkarambola sa NLEX, 4 sugatan

Apat ang nasugatan matapos magkarambola ang walong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) southbound lane sa Mexico, Pampanga Linggo ng hapon (February 16).

Isang bus at 7 iba pang sasakyan ang sangkot sa banggaan.

Agad namang nalapatan ng lunas ang mga nasugatang biktima.

Ayon kay Robin Ignacio, NLEX Senior Manager ng Traffic Operation, bumagal umano ang takbo ng unang sasakyan ngunit hindi napanatili ng mga sumunod na sasakyan ang safe braking distance na nagresulta sa karambola.

Mabigat na daloy ng trapiko ang idinulot ng aksidente lalo na sa lane pabalik ng Metro Manila.

Read more...