Sa weather forecast ng PAGASA sa susunod na 24 na oras, makulimlim na panahon ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley na mayroong mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.
Sa buong Visayas at Mindanao naman makararanas din ng isolated na mga pag-ulan dahil sa Easterlies.
Ang biglaang buhos ng ulan ay mararanasan sa hapon o gabi.
Dahil sa Amihan, nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat sa Northern Luzon.
Kabilang dito ang sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Island
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Northern Quezon kabilang ang Polilio Islands
– Northern Burdeos
– Northern at Eastern Coasts ng Patnanugan
– Jomalig, Quezon
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw sinabi ng PAGASA na wala namang bagyong makaaapekto sa bansa.