Halos 100 hatchlings ng pawikan, pinakawalan sa Davao Del Norte

Aabot sa 100 hatchlings ng pawikan ang pinakawalan sa karagatang sakop ng Barangay Garinan sa Tagum City, Davao del Norte, Linggo ng gabi (February 16).

Nasagip ang 95 na hatchlings sa mga residente sa lugar.

Nangitlog ang isang pawikan sa baybayin ng barangay noon pang ika-24 ng Disyembre kung saan kinordonan ng mga residente ang lugar na pinangitlugan at inalagaan ang mga itlog.

Pinag-aaralan na rin na gawing turtle sanctuary ang baybayin ng Barangay Garinan dahil ilang beses ng may nangitlog na pawikan sa lugar.

Read more...