Mga mamamayan ng Amerika inilikas sa Diamond Princess na nakadaong sa Japan

Inilikas ng pamahalaan ng Amerika ang kanilang mga mamamayan na sakay ng cruise ship na Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ito ay makaraang umakyat na sa 355 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit na COVID-19 mula sa nasabing barko.

Mula sa barko ay isinakay ng bus ang mga inilikas na mamamayan ng Amerika at saka dinala sa paliparan.

Mayroong nasa 400 US citizens na sakay ng barko.

Pagdating sa Amerika, ang mga inilikas ay muling sasailaim sa 14 na araw na quarantine period sa Travis Air Force Base sa California at sa Joint Base San Antonio – Lackland sa Texas.

Ang ibang Amerikanong pasahero naman ng cruise ship ay tumangging magpalikas.

Anila, patapos na ang kanilang 2 linggong quarantine sa barko at ayaw nilang muling magpa-quarantine ng 2 linggo na naman pagdating ng US.

Read more...