Magkasunod na pagyanig naitala sa Davao Oriental at Davao Occidental

Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa Davao Oriental at Davao Occidental ngayong Lunes (Feb. 17) ng madaling araw.

Ala 1:08 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Ang epicenter ng pagyanig ay sa 117 kilometers southeast ng Governor Generoso.

Ayon sa Phivolcs 68 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 2:07 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Ang pagyanig at naitala sa layong 31 kilometers northeast ng Don Marcelino.

May lalim na 87 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naital ang Instrumental Intesity II sa Malungon, Sarangani.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

Read more...