Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa susunod na linggo

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Seaoil at Cleanfuel, may dagadag na P0.35 sa kada litro ng gasolina.

Matatapyasan naman ng P0.10 ang kada litro ng kanilang diesel at kerosene.

Epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz at Seaoil sa Martes, February 18, simula 6:00 ng umaga.

Magsisimula naman ang pagbabago sa presyo ng mga produkto ng Cleanfuel sa Miyerkules, February 19, dakong 12:01 ng madaling-araw.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng magiging pagbabago sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Read more...