Bilang ng PUI sa bansa, nasa 498 na – DOH

Photo grab from DOH’s website

Nadagdagan pa ang bilang ng ‘persons under investigation’ (PUI) sa bansa.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang February 16, nasa 498 PUIs ang posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 159 PUIs ang nananatili pa rin sa ospital habang 336 naman ang na-discharge na.

Pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 93 admitted PUIs at 72 ang discharged PUIs.

Sumunod dito ang Central Luzon na may 9 admitted PUIs habang 48 naman ang discharged PUIs.

Sinabi pa ng DOH na nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...