Nasawing pulis sa engkwentro sa Iloilo, ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan

Binisita ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa ang burol ng nasawing pulis makaraang makaengkwentro ang mga komunistang rebelde sa Iloilo.

Nasawi si Police Captain Efren Espanto Jr. sa sumiklab na engkwentro sa bayan ng Janiuay sa February 12.

Sa Camp Martin Delgado, pinangunahan ni Gamboa ang seremonya ng pagbibigay ng Medalya ng Kadakilaan kay Espanto.

Ito ay para sa kadakilaan at commitment nito para sa serbisyo.

Maliban dito, ginawaran din ni Gamboa ng Medalya ng Kagalingan sa mga miyembro ng Reconnaissance Company-Regional Mobile Force Battalion 6.

Read more...