Peter Advincula, susuko sa mga otoridad sa Lunes

Susuko na sa mga awtoridad sa Lunes, February 17, si Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy.”

Nakilala si alyas “Bikoy” sa video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Joseph Advincula, magtutungo sa Lunes si Bikoy sa Metropolitan Trial Court Branch 138 sa Quezon City para magpiyansa dahil sa kinakaharap na kasong sedisyon.

Matatandaan na noong Biyernes lamang, ipinag-utos ng korte ang pagpaparesto kay Bikoy pati na kay dating Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga.

Kasama ni alyas Bikoy na magtutungo sa korte ang kanyang abogado na si Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Joseph, nagpasya ang kanyang kapatid na sumuko sa korte at hindi sa mga pulis para na rin sa kanyang seguridad.

Read more...