Pagbawi ng travel ban sa Hong Kong, ikinokonsidera ng gobyerno

Ikinokonsidera na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbawi sa travel ban sa Hong Kong.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, maaring bawiin ang travel ban sa susunod na dalawang linggo.

Ipinatupad ang travel ban sa Hong Kong, Macau at China bilang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas na kumalat pa ang sakit na Coronavirus Disease 19 (COVID-19).

Ayon kay Locsin, maganda ang mga medical facilities sa Hong Kong kung kaya agad na matutugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sakaling magkasakit doon.

Matatandaang sa una pa lamang, tutol na si Locsin na ipatupad ang travel ban sa Hong Kong.

Read more...