OFWs sa Hong Kong at Singapore, hinikayat ni Bishop Santos na ituloy ang pagdarasal sa tahanan

Hinihikayat ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga overseas Filipino worker sa Hong Kong at Singapore na magdasal na lamang sa loob ng kani-kanilang tahanan.

Pahayag ito ni Bishop Santos matapos pansamantalang ipatigil ang mga misa sa Macau at Hong Kong bilang tugon na rin sa Coronavirus Disease 19 o COVID-19.

Ayon kay Bishop Santos, vice chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat na ipanalangin ng mga OFW na masolusyunan na ang Coronavirus.

Dapat din aniyang ipanalangin ng mga OFW na gumaling na ang mga natamaan ng sakit na Coronavirus.

Read more...