LOOK: Ilang opisyal ng DOTr, patungo nang Sangley Airport para sa opisyal nitong inagurasyon

Patungo na ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa Sangley Airport para sa pagdaraos ng opisyal na inagurasyon nito, Sabado ng hapon.

Unang nagtagpo ang mga opisyal sa CCP Bay Terminal para sa pre-inaugural meet.

Pagkatapos nito ay sumakay na ang mga opisyal sa mga watercraft papuntang Sangley Airport.

Kabilang sa mga patungo sa inagurasyon ay sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Usec. for Finance Garry De Guzman, Usec. for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., OTS Administrator Usec. Raul Del Rosario, Asec. for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, Asec. for Maritime Lino Dabi at Asec. for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor.

Kasama rin si Maritime Industry Authority (MARINA) officer-in-charge Administrator Narciso Vingson Jr., at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.

Read more...