46-anyos na lalaki, sugatan matapos umanong tumalon sa LRT-1 Balintawak Station

Sugatan ang 46-anyos na lalaki makaraan umanong tumalon sa isang istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Quezon City, Sabado ng tanghali.

Sa inilabas na pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), tumalon ang lalaki mula sa platform ng LRT-1 Balintawak Station palabas ng kalsada bandang 12:00 ng tanghali.

Agad nagpadala ng ambulansya ang security team ng LRMC para rumesponde sa lalaki.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente.

Read more...