36 babae, nasagip sa dalawang sex den sa Makati City

Nasagip ang nasa 36 babae sa magkahiwalay na sex den sa Makati City.

Batay sa ulat ng Makati Police Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), unang nasagip ang 12 babae sa isang spa sa Barangay Bangkal bandang 11:15, Biyernes ng gabi.

Nahuli ang umano’y nagbabantay ng spa matapos magbayad ang isang undercover na pulis ng P2,500 kapalit ng pakikipagtalik sa isa sa mga nasagip na babae.

Maliban dito, 24 babae pa ang na-rescue ng mga otoridad mula sa isang cafe sa bahagi ng Barangay San Isidro dakong 12:15, Sabado ng madaling-araw.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa umano’y nagbabantay ng cafe na si Rafael Rosales, 42-anyos, makaraang magbayad ng P3,000 ang pulis kapalit din ng pakikipagtalik sa isa sa mga nasagip na babae.

Nahuli rin sina Rodolfo Robles, 38-anyos, ar Josua Rivera, 29-anyos.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Read more...