Cortes, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Cortes, Surigao del Sur Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 45 kilometers Northeast ng bayan ng Cortes bandang 8:03 ng umaga.

32 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...