Tanghali ng Biyernes, Pebrero 14, nang mapatay si Juanita Tacadao alias Maring sa pinagtataguan nito sa Barangay Malabuan sa Makilala, North Cotabato.
Pinamumunuan ni Tacadao ang NPA – Far South Mindanao at siya rin ang logistics and finance chief ng grupo.
Ayon kay Brig. Gen. Adnonis Bajao, commander ng 100 2nd Infantry Brigade sinalakay nila ang hideout ni Tacadao para isilbi ang ilang warrants of arrest sa kinahaharap niyang mga kasong kriminal.
Nagkaroon ng ilang minutong pagpapalitan ng mga putok bago nagsitakbuhan ang mga rebelde nang makitang napatay na ang kanilang pinuno.
Kasabay nito, sa hiwalay na operasyon ay nakubkob din ng awtoridad ang isang pang hideout ni Tacadao sa Malawanit, Magsaysay, Davao del Sur.
Sa dalawang operasyon, narekober ang apat na armas, mga pampasabog at mga subersibong dokumento.