PAL, CebuPac ibabalik na ang mga biyahe mula Taiwan patungong Pilipinas at pabalik

FILE

Ibinalik na ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific ang kanilang mga biyahe mula Pilipinas hanggang Taiwan at pabalik.

Ito ay kasunod ng pagbawi ng gobyerno ng travel ban sa Taiwan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PAL na simula February 21, balik-normal na ang mga sumusunod na biyahe patungo at pabalik mula Taipei Taoyuan International Airport:
–  PR890/891 Manila-Taipei-Manila (Tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo mula February 21 hanggang 29)

Magiging araw-araw din ang flight simula naman sa March 1.

Aalis ang flight PR890 sa Manila bandang 6:05 ng umaga at darating sa Taipei dakong 8:30 ng umaga.

Bibiyahe naman ang flight PR891 mula Taipei bandang 9:30 ng umaga at darating sa Maynila dakong 11:40 ng umaga.

Mula naman March 29, tuloy na ulit ang standard regular schedule na twice daily flights (PR890/891 at PR894/895).

Sinabi ng airline company na maaari nang makapagpa-rebook ang mga apektadong pasahero ng mga nakanselang biyahe.

Samantala sa abiso naman ng Cebu Pacific, tuloy na ang mga sumusunod na flight:
– 5J 310 Manila-Taipei simula February 17.
– 5J 311 Taipei-Manila simula February 18 (Departs 1:45am Mon/Wed/Sat; 2:15am Tue/Thu/Fri/Sun)

February 21, 2020-until further notice
Manila-Taipei
5J 312 (Departs 7:05am)
5J 310  (Departs 10:40pm)

Taipei-Manila
5J 311 (Departs 1:45am)
5J 313 (Departs 10:45am)

Read more...