Pagbawi ng Pilipinas sa travel ban ikinatuwa ng pamahalaan ng Taiwan

Ikinatuwa ng pamahalaan ng Taiwan ang pagbawi ng Pilipinas sa ipinatupad na travel ban dahil sa banta ng COVID-19.

Sa pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) sinabi nitong ginagawa naman ng pamahalaan ng Taiwan ang lahat para maawat ang paglaganap ng sakit.

Patuloy din ang ugnayan nila sa international community para labanan ang COVID-19.

“The Republic of China (Taiwan) attaches great importance to its long-standing relationship with the Republic of the Philippines. We are determined to strengthen our bilateral ties and promote our people-to-people connectivity,” ayon sa TECO.

Pinapurihan din ng TECO ang hakbang ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang maalis ang pag-iral ng ban sa Taiwan.

Read more...