LOOK: Pia Wurtzbach nasa Chicago para sa coverage ng NBA All-Star Weekend

Si Pia Wurtzbach ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa coverage ng NBA All-Star weekend.

Sa Facebook video ng NBA Philippines, nangako si Pia na ibabahagi ang highlights at update sa magaganap na NBA All-Star.

Noon pang February 12 dumating sa Chicago si Pia.

Hindi na bago kay Pia ang mag-cover ng malaking sports event.

Noong 2016 ay nagsilbi siyang correspondent ng Inside Edition para sa Super Bowl 50.

Read more...