Banta ng Taiwan walang kinalaman sa pagbawi sa travel ban

Walang kinalaman sa banta ng Taiwan ang pagbawi ng pamahalaan sa pag-iral ng travel ban doon.

Una rito ay nagbanta ang Taiwan na sususpindihin nito ang visa-free travel para sa mga biyaherong Pinoy makaraang ipatupad ng Pilipinas ang travel ban dahil sa COVID-19 scare.

Ayon kay Health Secretary Duque, tanging public health at safety ang ikinunsidera ng task force sa pagbawi ng ban.

Ani Duque, noon pa naman ay nilinaw na ng Task Force na temporary lamang ang mga ipinatutupad na ban ay sasailalim ito sa risk assessment.

Read more...