Rolando Macasaet mananatiling acting president at GM ng GSIS

Maatapos maitalaga bilang chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) si retired Justice Lucas Bersamin, mananatili namang acting president at general manager ng GSIS si Rolando Macasaet.

Kinumpirma ito ni Finance Sec. Carlos Dominguez.

Hindi naman sinagot ni Dominguez kung bakit acting capacity pa rin si Macasaet bilang presidente at GM ng GSIS at hindi ginawang permanente ang appointment sa kaniya.

Umaktong chairman ng GSIS si Macasaet bago simula noong June 2018.

Read more...