Sinabi ni Año na maituturing na urgent matter ang ASF dahil apektado nito ang pangkabuhayan ng hog raisers.
Hinimok ni Año ang mga LGU na sundin ang protocol na ipinatutupad ng Department of Agriculture (DA) kabilang ang pagbuo at pagpapalakas ng ASF Prevention and Control Plans; pagsasagawa ng public awareness sa ASF; surveillance; at border control and movement management.
Pinapurihan naman ng DILG ang mga LGU na naglalaan ng sapat na pondo para malabanan ang ASF at matulungan ang apektadong hog raisers.
Kabilang dito ang bayan ng Mapandan sa Pangasinan na nagbigay ng P1,000 sa bawat kinatay na baboy.
Gayundin sa Bayambang, Pangasinan na nagkaloob ng dalawang kaban ng bigas sa bawat kinatay na baboy.