LOOK: Ilang lansangan sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend

Magsasagawa ng road repair at road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DWH) sa ilang lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Sisimulan ang mga aktibidad alas 11:00 ng gabi ngayong araw, February 14.

Kabilang sa mga lansangang isasailalim sa repair at reblocking ang mga sumusunod:

SOUTHBOUND:
1. A. Bonifacio Ave. Cloverleaf to 11th Ave. (1st lane from sidewalk)
2. EDSA Guzent to Roosevelt Ave. (4th lane from sidewalk)
3. EDSA approach BP Tuazon flyover to approach A. Boni Serrano flyover (2nd lane from MRT Line)

WESTBOUND:
4. General Luis St. Samote St. to SB Road
5. Elliptical Road from Kalayaan Ave to Maharlika St. (7th lane from outer sidewalk)

NORTHBOUND:
6. EDSA QC after Aurora Blvd. to New York St. (3rd lane from sidewalk)

Ayon sa DPWH, alas 5:00 ng umaga sa Lunes, February 17 ay bubuksan na ang mga apektadong kalsada.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lansangan para hindi maabala.

Read more...