Ayon sa update mula sa Department of Health (DOH) sa 455 na PUIs, 386 na ang nag-negatibo sa sakit.
Kasama na dito ang 259 na pawang nakalabas na ng ospital.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, bagaman 82 percent na ng mga PUIs ang negatibo sa virus kailangan pa ring paghandaan ang naturang sakit.
Dalawang negatibong resulta ang kailangan para sa isang PUI bago tuluyang mapalabas ng ospital.
Samantala, isang 25 anyos na Pinoy na kabilang sa mga inilikas mula sa Wuhan City sa Hubei Province ang na-admit sa ospital sa Pampanga matapos lagnatin at dumaing ng pananakit ng tainga.
Sa isinagawang pagsusuri ay nag-negatibo din ito sa COVID-19 at natuklasang mayroong outer ear infection.
Ibinalik na siya sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Tarlac para ituloy ang 14 days quarantine.