Malalaking sporting events pinakakansela ng POC dahil sa banta ng COVID-19

Pinakakansela na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang malalaking sporting events sa bansa.

Ito ay dahil sa banta ng paglaganap ng COVID-19.

Sa pahayag ng POC, kabilang sa hinimok nitong kanselahin ang lahat ng event ng National Sports Associations at iba pang grupong sakop ng POC.

Ayon sa POC, mahalaga ang kalusugan ng mga atleta, coaches, mga opisyal at iba pa.

Read more...