Ilang bahagi ng Rizal, Pasig at Makati mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

Makararanas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Makati, Rizal at Pasig ngayong araw, February 14 hanggang bukas ng umaga, February 15.

Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang line at maintenance at leak repair sa mga lugar na maaapektuhan.

Narito ang mga lugar at oras ng water service interruption:

MAKATI CITY
– Bahagi ng Brgy. Forbes Park
(Feb. 14 1:00PM to Feb 14. 4:00PM)

BINANGONAN, RIZAL
– Brgy. Libis
– Brgy. Libid
– Brgy. Layunan
(Feb. 14 10:00PM to Feb 14. 4:00AM)

ANGONO, RIZAL
– Bahagi ng Brgy. Kalayaan
(Feb. 14 10:00PM to Feb 15. 4:00AM)

PASIG CITY
– Bahagi ng Amang Rodriguez
– Manggahan
(Feb. 14 10:00PM to Feb 15. 4:00AM)

Pinayuhan ng Manila Water ang mga residenteng apektado na mag-ipon ng kakailanganing suplay ng tubig.

Read more...