Ilang pamilya mananatili pa sa evacuation center sa Batangas

Mananatili pa sa evacuation center ang iba pang pamilya na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ay sa kabila ng pagbaba sa status ng Bulkang Taal sa alert level 2 na lang.

Ayon sa Batangas Provincial government, patuloy na aasistihan ang mga nasa provincial evacuation centers sa Barangay Malainin at Barangay Talaibon sa bayan ng Ibaan. n

Sila ay kinabibilangan ng mga pamilyang naninirahan sa Permanent Danger Zone at ang mga pamilyang nawasak ang tahanan dahil sa pagputok ng bulkan.

Nakatakda silang iliipat sa permanent settelement area sa sandaling maging available na ito.

Read more...