DOH: Flying kiss at kaway-kaway na lang muna ngayong Valentine’s Day

Ngayong Valentine’s Day pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na magkasya na lang muna sa pakaway-kaway at flying kiss.

Payo ito ni Health Sec. Francisco Duque III para maiwasan ang paglaganap ng sakit lalo pa at may banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Payo ni Duque, para maipakita ang affection sa kaibigan, asawa, at iba pang mahal sa buhay ngayong Araw ng mga Puso ay bigyan na lang sila ng flying kiss.

Ani Duque, kapag nag-flying kiss tiyaking hindi dadampi sa labi ang kamay.

Huwag ding magsalita habang ibinibigay na ang flying kiss.

Magugunitang naglabas na rin ng abiso ang DOH na nagpapayo sa publiko na iwasan na lang muna ang mga pagtitipon na dadaluhan ng maraming tao.

Kabilang dito ang mga concert at iba pang malalaking events.

Read more...