Aniya kung titingnan sa anggulo ng politika lumalabas na malakas ang impluwensiya ng China sa administrasyong-Duterte.
Dagdag pa ni Lacson kasaysayan na lang ang makakapagsabi kung talagang makakabutin ang pagbabago sa foreign policy ng kasalukuyang administrasyon.
Pagdidiin ng senador ngayon pa lang ay may epekto na sa OFWs sa Taiwan ang travel ban.
Hiirit pa nito, tila walang pinapakinggan si Pangulong Duterte at walang konsultasyon sa iba’t ibang sektor ang isinasagawa para sa maayos na pagdedesisyon.
Paglilinaw naman ni Lacson na hindi niya kinukuwestiyon ang sinseridad ng administrasyon na maayos ang mga isyu ng bansa at aniya umaasa siya na magiiwan si Pangulonf Duterte na makabuluhang tatak sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sinabi pa nito na patuloy niyang susuportahan ang pangulo ngunit patuloy din niyang pupunahin ang mga diskarte ng administrasyon na sa kanyang palagay ay hindi para sa interes ng bansa at sambayanan.