Pagdedeklara ng buwan ng Oktubre bilang Cooperative Month pasado na sa Kamara

Ipinapadeklara ng Kamara ang buwan ng Oktubre bilang National Cooperative Month o Buwan ng mga Kooperatiba.

Ito ay matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5422 sa botong 226 Yes at wala namang pagtutol.

Layunin ng panukala na hikayatin ang lahat ng sektor tungo sa nation-building sa pamamagitan ng mas malawak na pakikilahok sa kooperatiba.

Kinikilala ang mga kooperatiba bilang rehistradong asosasyon na boluntaryong nag-aambag ng kanilang kontribusyon para sa iisang adhikain na itaas ang kalidad ng buhay.

Ang kooperatiba din mismo ang nagbibigay ng sariling kapital para sa pamumuhunan at mga pagsasanay upang maitaas ang purchasing powers sa paglago ng kanilang kita.

Read more...