Ayon kay Gatchalian batid naman nila na may quo warranto petition na ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema at iginiit dito ang mga reklamo laban sa higanteng media network.
Ngunit katuwiran ng senador kailangan din nilang malaman kung totoo o hindi ang mga reklamo at sinasabing paglabag ng ABS-CBN para malaman kung may kailangan bang amyendahan sa batas na gumagabay sa pagbibigay ng prangkisa.
Paglilinaw naman ni Gatchalian na sa ikakasang pagdinig ng komite ni Sen. Grace Poe ay hindi ukol sa renewal ng mapapasong prangkisa ng ABS-CBN kundi sa mga reklamo na inilatag ni Solicitor General Jose Calida sa inihain niyang petisyon.
Nagpatawag na ng caucus si Senate President Vicente Sotto III para pag usapan ng mga senador ang kanilang gagawing hakbang bunsod na rin ng unang pahayag ni Sen. Ping Lacson na maaring labagin ang sub judice rule kapag tinalakay sa Senado ang isyung kinasasangkutan ng ABS-CBN.