San Carlos City sa Pangasinan isinailalim sa state of calamity dahil sa ASF

Isinailalim na sa state of calamity ang San carlos City sa Pangasinan dahil sa outbreak ng African Swine Fever (ASF).

Nagpositibo sa ASF ang mga alagang baboy sa barangay Caboloan sa nasabing lungsod.

Sa ilalim ng deklarasyon ng state of calamity, inaasahang mas mapapabilis ang hakbang upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF sa ibang bahagi ng San Carlos City.

Agad idng matutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong hog raisers.

Isinailalim na sa lockdown ang mga lugar na sakop ng one-kilometer radius mula sa apektadong barangay.

Read more...