WATCH: Pangulong Duterte hinimok ang publiko na bumiyahe sa magagandang lugar sa Pilipinas

Personal na nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na bumiyahe sa Pilipinas.

Sa kaniyang video message, sinabi ng pangulo na maraming naggagandahang lugar sa bansa na karapat-dapat bisitahin.

Tiniyak din ng pangulo na ligtas ang bawat mamamayan na bibisita sa magagandang lugar sa bansa.

Tiniyak din aniya ng mga airline, mga hotel at resort na magbababa sila ng presyo para mas mahikayat ang mga lokal na turista na mamasyal.

Read more...