outbrain

Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 07:50 AM SHARE(S):

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (Feb. 14) ay 202.91 meters ang water level ng dam.

Mas mababa kumpara sa 202.97 meters na water level nito kahapon.

Ang La Mesa dam ay bahagya ding nabawasan na nasa 77.71 meters ngayong araw habang walang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.14 meters.

Nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.

 

TAGS: angat dam, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply, weather, angat dam, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.