21 degrees Celsius naitala sa Metro Manila ngayong umaga

Inquirer File Photo

Bagaman bahagya nang humina ang pag-iral ng Amihan, ilang lugar pa rin ang nakapagtala ng malamig na panahon ngayong umaga (Feb. 14).

Alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes, naitala ang temperatura sa sumusunod na mga lugar:

Science Garden, QC – 21.0 degrees Celsius
Baguio City – 14.4 degrees Celsius
Laoag City – 20.8 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 19. 7degrees Celsius
Clark, Pampanga – 21.3 degrees Celsius

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, sa Luzon at Visayas na lamang umiiral ang Amihan.

Bagaman, mananatili ang pag-iral ng Amihan ay hindi na ito magiging kalakasan.

Sa mga susunod na araw ay sa Luzon na lamang ito mararamdaman.

 

Read more...