Amihan bahagyang humina; Mindanao apektado na ng Easterlies

Bahagya nang humina ang pag-rail ng Amihan at tanging Luzon at Visayas na lamang ang naaapketuhan nito.

Ang buong Mindanao naman ay apektado na ng Easterlies.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Biyernes (Feb. 14) ang Caraga at Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan na may thunderstorm.

Ayon sa PAGASA ang mararanasang biglaan na malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bahagi ng Luzon at ang buong Visayas ay bahagyang maulap na papawirin lamang hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa Amihan.

Ang nalalabi namang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroon ding isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.

Read more...