Rockets tumama sa Iraqi base na kinaroroonan ng mga tropa ng Amerika

Tinarget ng rockets ang isang military base sa Iraq na kinaroroonan ng mga sundalo ng Amerika.

Tumama ang rockets sa Iraqi base sa Kirkuk.

Simula noong Oktubre ng nakaraang taon ay umabot na sa halos 20 rocket attacks ang inilunsad laban sa mga tropa ng Amerika sa Iraq kabilang ang sa palibot ng embahada ng Amerika.

Ayon sa Iraqi Securitiy officials, tumama ang Katyusha rocket sa K1 base.

Pawang US troops at Iraqi federal police forces ang nakatalaga sa nasabingbase.

Ayon sa Iraqi military wala namang nasaktan sa pag-atake.

Read more...