Roses, mugs at chocolates ipamamahagi sa mga pasahero ng MRT-3 at LRT-2 ngayong Valentine’s Day

Mamimigay ng bulaklak, chocolates, tubig, at mug ngayong Valentine’s Day sa mga pasahero ng MRT-3 at LRT-2.

Simula kahapon inihanda na ng pamunuan ng MRT-3 at ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Malasakit Help Kits na ipamamahagi sa mga pasahero.

Sa MRT-3, ang kits ay naglalaman ng tsokolate, tubig at alchohol.

Sa LRT-2 naman, ang kits ay may lamang mug, tubig, tsokolate at wet tissue.

May inihanda ring mga rosas ang LRTA para sa mga babaeng pasahero.

Read more...