Dating SC Chief Justice Lucas Bersamin itinalaga ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng GSIS

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin bilang pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS).

Kinumpirma ni Senator Bong Go na si Bersamin ay nakapanumpa na sa pwesto noon pang February 6, 2020.

Pinalitan ni Bersamin si Ronald Macasaet, na nagsilbing officer-in-charge ng GSIS.

Noong Oktubre lamang nagretiro bilang chief justice ng Korte Suprema si Bersamin.

Read more...