Lutayan, Sultan Kudarat nilindol

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Sultan Kudarat, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 10 kilometers Southeast ng Lutayan dakong 8:57 ng gabi.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...