Rider cap ng Angkas, dinagdagan ng DOTr-TWG

Dinagdagan ng Department of Transportation-Technical Working Group (DOTr-TWG) ang riders cap ng motorcycle hailing firm na Angkas.

Sa isang press conference, sinabi ni DOTr-TWG chair Antonio Gardiola na aabot na sa 20,000 ang papayagang Angkas riders sa Metro Manila.

Ani Gardiola, hindi kasi naabot ng MoveIt at Joyride ang itinakdang rider quota.

Sa huling datos, sa Metro Manila, umabot ang Angkas sa 20,000 riders habang 15,000 sa Joyride at 6,836 sa MoveIt.

Samantala, sa Metro Cebu, narito ang bilang ng rider ng mga kumpanya:
Angkas – 4,500
Joyride – 4,488
MoveIt – 0

Habang sa Cagayan de Oro naman:
Angkas – 925
Joyride – 176
MoveIt – 0

Dahil dito, magsasagawa aniya ng ‘redistribution’ kung saan pupunan ng mga nakahandang Angkas rider ang kulang na bilang nito.

Matatandaang nasa kabuuang 63,000 bikers ang pinayagan ng DOTr-TWG para sa motorcycle pilot test run kung saan tig-15,000 riders ang in-allot sa bawat transport network company (TNC) sa Metro Manila, tig-3,000 sa Metro Cebu at tig-3,000 Cagayan de Oro.

Read more...