Silago, Southern Leyte niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Silago, Southern Leyte Huwebes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 6 kilometers Southeast ng Silago bandang 6:31 ng gabi.

1 kilometer ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...