Northeast Monsoon, umiiral pa rin sa Luzon at Visayas – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa Luzon at Visayas kabilang ang Metro Manila.

Ngunit, posible pa rin aniyang makaranas ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan bunsod pa rin ng Amihan.

Samantala, mainit na hangin naman mula sa Pacific Ocean ang nararamdaman sa Mindanao region.

Gayunman, makararanas aniya ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa buong rehiyon.

Bunsod nito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa rehiyon na nakatira sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Sinabi ni Clauren na walang inaasahang papasok o mabubuong weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...