Aurora, Nueva Vizcaya uulanin ngayong hapon

Makararanas ng pag-ulan ang Aurora at Nueva Vizcaya, ayon sa PAGASA.

Sa rainfall advisory bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Aurora partikular sa Baler, San Luis, Dipaculao at Maria Aurora.

Apektado rin ang bayan ng Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya.

Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng maging epekto nito.

Read more...