LOOK: Bouquet ng alcohol, sanitizer, gulay at de lata kabilang sa mabibili sa Dangwa

Maliban sa naggagandahang bouquet ng bulaklak may iba pang pagpipilian ang mga nais magregalo sa kanilang minamahal para sa Valentine’s Day.

Sa isang tindahan sa Dangwa Flower Market sa Maynila, mayroon ding mabibiling bouquet ng gulay at bouquet ng de lata.

At dahil sa coronavirus disease scare, mayroon na ring bouquet ng alcohol, sanitizer at wet tissue.

Ito ay matatagpuan sa pwesto ni Mary Jane Ditan.

Dahil gugunitan na bukas ang Valentine’s Day dagsa na ang mga bumibili ng bulaklak.

Ayon sa ilang nagtitinda, aasahan na bukas ay mas mataas na ang presyuhan ng bulaklak sa Dangwa.

Read more...