Sa video message ng pangulo, hinihimok nito ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing at magsuot ng mask kung kinakailangan.
Umaapela rin ang pangulo sa publiko na pagkatiwalaan ang gobyerno at tumutok sa mga impormasyon na ipinalalabas ng pamahalaan maging ng World Health Organization (WHO).
Ayon sa pangulo, hindi dapat na makinig ang taong bayan sa mga haka-haka.
Naiintindihan ng pangulo kung nakararamdam ng takot at pagkabahala ang publiko pero pagtitiyak ng punong ehekutibo, mayroong gobyerno na tumutugon sa naturang problema.
Ayon sa pangulo, tatlong kaso pa lamang ng COVID-19 ang nakukumpirma sa Pilipinas at wala pang naitatalang community transmission.